Pinas may 1,326 bagong COVID cases

Pinas may 1,326 bagong COVID cases

November 28, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sumampa na sa kabuuang 4,033,682 ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa karagdagang 1,326 na bagong kaso nitong Linggo.

Ang aktibong kaso sa bansa ay tumaas sa 18,482 mula sa 18,348 noong Sabado, dalawang magkasunod na araw na may mahigit sa 18,000 aktibong kaso matapos bumaba sa 17,049 noong ika-23 ng Nobyembre.

Umakyat naman ang total recoveries sa 3,950,606 habang 23 naman ang nasawi sa 64,594 base sa pinakahuling datos ng DOH.

Nanatili pa rin ang NCR sa may pinakamataas na naitalang kaso na may 3,874 na sinundan ng Calabarzon na may 1,961 at Western Visayas na may 1,293 kaso.

May nasuri ding 10,326 na indibidwal habang ang mga testing laboratory na nakapagsumite ng kanilang datos noong ika-26 ng Nobyembre ay 314.

Sinabi rin ng DOH na ang bed occupancy sa bansa ay 23.1%, na may 6,499 na kama ang okupado, habang 21,675 ang bakante. Jocelyn Tabangcura-Domenden