Pinas may 134 bagong COVID cases

Pinas may 134 bagong COVID cases

February 18, 2023 @ 10:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naiulat ng Department of Health (DOH) ang 134 bagong COVID-19 cases nitong Biyernes, dahilan para umabot sa 9,170 ang bilang ng aktibong kaso.

Sinabi ng Health department na sa pagkakadagdag ng mga bagong kaso, sumampa na sa 4,075,259 ang COVID cases sa bansa.

Batay sa pinakabagong datos ng DOH, pumalo ang recovery tally sa 4,000,083 kasunod ng 129 bagong pasyente na gumaling sa sakit.

Naitala ang National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming bilang ng impeksyon sa 463 kaso sa nakalipas na dalawang linggo, na sinundan ng Calabarzon sa 211, Davao Region sa 155, Western Visayas sa 93, at Central Luzon sa 73.

Samantala, tumaas din ang death toll sa 66,006 sa pitong napadagdag sa mga nasawi.

Nananatili naman ang bed occupancy sa 17.3% kung saan 4,340 beds ang okupado habang 20,813 ang bakante hanggang nitong Miyerkules.

May kabuuang 8,415 indibidwal ang sinuri, habang 322 testing labs ang nagsumite ng datos hanggang nitong Huwebes. RNT/SA