Pinas may 1,391 bagong COVID cases

Pinas may 1,391 bagong COVID cases

October 30, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa 4,002,080 ang total caseload ng COVID-19 sa bansa base sa pinakahuling update ng Department of Health nitong Sabado.

Ayon sa DOH, nadagdagan pa ang kaso ng 1,391 habang ang active tally ay bumaba sa 21,176 mula sa 21,685 noong Biyernes.

Nakapagtala ang National Capital Region pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa nagdaang dalawang linggo na may 5,720 sinundan ng Calabarzon na may 3,368, Central Luzon na may 1,954, Western Visayas na may 1,716, at Davao Region na may 1,188.

Ang recovery tally ay umakyat sa 3,916,909 na may 1,770 bagong gumaling sa naturang sakit.

Mayroon namang 36 bagong namatay sa COVID-19 na nagdala sa kabuuang 63,995.

Noong Biyernes, ang bed occupancy rate sa bansa ay 24.6%, na may 7,025 okupado at 21,578 bakanteng kama.

Kabuuang 12,639 indibidwal na rin ang nasuri noong Biyernes habang 33 testing laboratories ang nagsumite ng kanilang datos sa DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden