Pinas may 143 bagong COVID-19 cases

Pinas may 143 bagong COVID-19 cases

February 25, 2023 @ 9:42 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes ng 143 bagong COVID-19 cases, habang umakyat sa 9,337 ang bilang ng aktibong kaso.

Batay sa pinakabagong datos ng DOH, ang nationwide tally ay kasalukuyang nasa 4,076,014, habang tumaas ang ctive tally mula sa 9,269 kaso noong Huwebes.

Pumalo ang recovery tally sa 4,000,601, habang ang death tally ay tumaas sa 66,076 sa bagong naitalang 13 nasawi.

Sa nakalipas na 14 araw, naiulat sa National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming impeksyon sa 421, sinundan ng Davao Region sa 218, Calabarzon sa 171, Western Visayas sa 92, at SOCCSKARGEN sa 70.

Naiulat ng DOH ang bed occupancy sa bansa sa 17.2% kung saan 4,340 bed ang okupado habang 20,959 ang bakante hanggang nitong Miyerkules.

Idinagdag nito na hindi bababa sa 8,598 indibidwal ang sinuri, habang 327 testing labs ang nagsumite ng datos hanggang nitong Huwebes. RNT/SA