Pinas may 144 bagong COVID-19 cases

Pinas may 144 bagong COVID-19 cases

March 6, 2023 @ 9:48 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala sa Pilipinas nitong Linggo ng 144 bagong kaso ng COVID-19 na nagdala sa active caseload ng bansa sa 8,943, batay sa datos ng Department of Health (DOH).

Ito ang ika-limang araw na nakapagtala ng mahigit 100 bagong kaso ng virus, at pinakamababang bilang ng aktibong kaso sa loob ng 247 araw.

Sa kasalukuyan ay pumalo na sa 4,077,002 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 4,001,906 ang gumaling habang 66,153 naman ang pumanaw.

Naiulat din ang pinakamaraming kaso sa National Capital Region sa 433, na sinundan ng Davao Region sa 229, Calabarzon sa 208, Soccsksargen sa 125 cases, at Western Visayas sa 93.

Mayroong 7,216 samples at 7,083 indibidwal na sinuri noong Sabado, batay sa datos na isinumite ng 301 testing labs.

Naiulat din ng DOH na 4,107 sa 25,189 beds sa bansa ang okupado, na bumubuo sa occupancy rate na 16.3%. RNT/SA