Pinas may 166 bagong COVID infections

Pinas may 166 bagong COVID infections

March 3, 2023 @ 8:52 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng 166 bagong COVID-19 infections, habang pumalo na ang active tally sa 9,308.

Pinataas ng bagong impeksyon ang caseload ng bansa sa 4,076,570, batay sa pinakabagong datos ng DOH.

Nakapagtala sa National Capital Region (NCR) na may pinakamaraming kaso sa 443 sa nakalipas na dalawang linggo, sinundan ng Davao Region sa 235, Calabarzon sa 199, Soccsksargen sa 104, at Caraga sa 78.

Hindi bababa sa 66 bagong pasyente ang gumaling mula sa viral disease, dahilan para sumampa ang recovery tally sa 4,001,136.

Samantala, tumaas dina ng death tally sa 66,126 sa walong bagong naitalang pagkasawi.

Hanggang nitong Huwebes, hindi bababa sa 8,344 indibidwal ang sinuri, habang 322 testing laboratories ang nagsumite ng datos, base sa DOH.

Samantala, ang bed occupancy ng bansa ay nasa 16.5%, kung saan hindi bababa sa 4,130 beds ang okupado habang 20,928 ang bakante hanggang nitong Martes. RNT/SA