Pinas may 1,702 bagong COVID cases

Pinas may 1,702 bagong COVID cases

October 23, 2022 @ 8:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health nitong Sabado ng 1,702 bagong kaso ng COVID-19 kahit na bumaba ang aktibong tally sa 23,713. Ito ang ikalawang sunod na araw na wala pang 2,000 bagong kaso ang naitala.

Bumaba ang mga aktibong kaso mula sa 24,192 noong Biyernes, habang ang kabuuang caseload ay nasa 3,993,148.

Nanatili pa rin ang National Capital Region ang may mataas na bilang ng mga impeksyon sa nagdaang dalawang linggo na may 8,279, sinundan ng Calabarzon na may 4,428, Central Luzon na may 2,550, Western Visayas na may 1,564, at Davao Region na may 1,435.

Sinabi ng DOH na 2,150 pang pasyente ang gumaling sa virus , kaya umabot na sa 3,905,693 ang recovery tally.

Umabot naman sa 36 ang bagong nasawi ang naitala, na nagtulak sa bilang ng mga nasawi sa 63,742.

Noong Biyernes, ang bed occupancy rate ng bansa ay nasa 25.5% na may 7,323 okupado at 21,368 na bakanteng kama.

Kabuuang 14,720 indibidwal ang nasuri noong Biyernes, habang 340 testing laboratories ang nagsumite ng kanilang datos. Jocelyn Tabangcura-Domenden