Pinas may 1,709 bagong COVID cases

Pinas may 1,709 bagong COVID cases

September 15, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ng 1,709 bagong impeksyon sa COVID-19, ang ikalawang sunod na araw na may mas kaunti sa 2,000 bagong kaso.

Sa nasabing bilang ay nagpataas sa nationwide tally sa 3,911,487, habang ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ay bumaba sa 24,139 mula sa 24,502 noong Martes.

Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang nanatiling may maraming kaso ng COVID-19 na may 9,235, sinundan ng Calabarzon na may 3,746, Central Luzon na may 2,276, Davao Region na may 1,306, at Western Visayas na may 1,807.

Ang recovery tally ay umakyat naman sa 3,824,932, habang ang kabuuang namamatay ay sumampa na rin sa 62,416.

Pinapakita sa pinakahuling datos na ang bed occupancy sa bansa ay 26.9% nitong Lunes, September 12, na may 7,694 okupadong kama at 20,925 bakante.

May kabuuang 19,978 na indibidwal naman ang nasuri habang 335 testing labs ang nagsumite ng kanilang datos noong Martes , September 13 ayon pa rin sa Department of Health (DOH). Jocelyn Tabangcura-Domenden