Pinas may 193 bagong COVID-19 cases

Pinas may 193 bagong COVID-19 cases

March 18, 2023 @ 9:56 AM 7 days ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes ng 193 bagong COVID-19 cases habang tumaas ang active tally ng bansa sa 9,287.

Dahil dito, umabot na sa 4,078,660 ang kabuuang kaso ng impeksyon sa bansa, habang pumalo ang active cases sa 9,231 nitong Huwebes.

Umakyat din ang recovery tally sa 4,003,117, habang sumampa ang death toll sa 66,256, ayon sa pinakabagong datos ng DOH.

Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamaraming kaso ng virus sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region (NCR) na may 542 cases, sinundan ng Davao Region sa 271, Calabarzon sa 220, Soccsksargen sa 179, at Northern Mindanao sa 156.

Hanggang nitong Huwebes, ang bed occupancy ay 16.3% kung saan 4,035 beds ang okupado habang 20,778 ang bakante, base sa DOH.

Samantala, may kabuuanh 6,997 indibidwal ang sinuri, habang 323 testing labs ang nagsumite ng datos hanggang nitong Huwebes, anang ahensya. RNT/SA