Pinas may 199 bagong COVID cases

Pinas may 199 bagong COVID cases

February 2, 2023 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 199 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules,  higit sa doble kaysa sa naitala noong Martes, Enero 31, 2023.

Sa kabila nito, bumaba ang active tally ng bansa sa 9,604 mula sa 9,632.

Ayon sa DOH, ang kabuuang kaso na ng naturang sakit sa kasalukuyan ay sumampa na sa 4,073,454.

Ang recovery tally naman ay umakyat sa 3,998,048, habang ang death toll ay umabot na rin sa 65,802 na may 23 na bagong pagkamatay.

Ang National Capital Region (NCR) ay nagtala ng pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 715, sinundan ng Calabarzon na may 363, Western Visayas na may 251, Davao Region na may 203, at Central Luzon na may 169.

Sinabi ng DOH na hindi bababa sa 4,796 na kama ang okupado habang 21,834 ang bakante dahil ang bed occupancy ay nasa 18% noong Lunes, Enero 30.

Kabuuang 10,575 indibidwal naman ang nasuri habang 330 testing laboratories ang nakapagsumite ng kanilang datos noong Martes, Enero 31. Jocelyn Tabangcura-Domenden