Pinas may 200 bagong COVID cases

Pinas may 200 bagong COVID cases

January 28, 2023 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tumaas sa 10,094 ang bilang ng aktibong kaso matapos makapagtala ang Pilipinas ng 200 bagong impeksyon sa COVID-19 noong Biyernes.

Kasunod ito ng apat na sunod na araw na may mababa sa 200 COVID -19 kaso na naitala.

Bahagya namang tumaas ang bilang ng aktibong kaso mula 10,074 noong Huwebes.

Ang mga bagong impeksyon ay nagtulak din sa nationwide caseload sa 4,072,592.

Ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 908, sinundan ng Calabarzon na may 474, Western Visayas na may 248, Central Luzon na may 231, at  190 sa Davao Region.

Samantala, ang recovery tally ay umakyat sa 3,996,745 habang 18 na bagong fatalities ang nadagdag sa death toll, na ngayon ay 65,753.

Nitong Huwebes, 18.6% ang bed occupancy rate sa bansa, na may 4,978 occupancy at 21,806 na bakanteng kama.

May kabuuang 9,618 indibidwal ang nasuri noong Huwebes, at 328 testing laboratories ang nagsumite ng datos. Jocelyn Tabangcura-Domenden