Pinas may 23,883 bagong kaso ng COVID mula Aug. 15-21

Pinas may 23,883 bagong kaso ng COVID mula Aug. 15-21

August 22, 2022 @ 4:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Health (DOH) na mula Agosto 15 hanggang 21 ay nakapagtala pa ng 23,883 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 3,412, mas mababa ng 15 porsyento kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Agosto 8 hanggang 14.

Sa mga bagong kaso, 101 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Noong ika-21 ng Agosto 2022, mayroong 811 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.

Samantala, mayroon namang naitalang 321 na pumanaw kung saan 90 ay naganap noong Agosto 8 hanggang Agosto 21.

Sa 2,586 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 699 (27.0%) ang okupado. Samantala, 30.2% ng 22,076 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 72 milyong indibidwal o 92.59% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 17 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.8 milyong senior citizens o 78.01% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series. Jocelyn Tabangcura-Domenden