Pinas may 2,459 bagong COVID cases

Pinas may 2,459 bagong COVID cases

October 15, 2022 @ 8:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes ng 2,459 na bagong impeksyon sa COVID-19 habang ang aktibong tally ay tumaas sa 26,399.

Ito ang ikalawang araw ng sunod-sunod na mahigit 2,000 bagong kaso na naiulat.

Ayon sa datos ng DOH, umakyat sa 26,399 ang active tally mula sa 25,293 noong Huwebes.

Ang mga bagong kaso ay nagdala din ng caseload ng bansa sa 3,978,354.

Sinabi ng DOH na iniulat ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may 11,063, sinundan ng Calabarzon na may 5,397, Central Luzon na may 2,864, Davao Region na may 1,446, at Western Visayas na may 1,089.

May kabuuang 1,328 bagong pasyente ang gumaling mula sa sakit. Ang kabuuang recovery tally ay nasa 3,888,516 na ngayon.

Samantala, umakyat din sa 63,439 ang nasawi na may 36 na bagong nasawi.

Hindi bababa sa 15,517 na indibidwal ang nasubok, habang 340 testing laboratories ang nagsumite ng data noong Huwebes, Oktubre 13.

Bumaba ang bed occupancy sa bansa sa 25.2%, kung saan hindi bababa sa 7,217 bed ang occupancy at 21,406 ang bakante noong Miyerkules, Oktubre 12. Jocelyn Tabangcura-Domenden