Pinas may 2,633 pang bagong kaso ng COVID-19 – DOH

Pinas may 2,633 pang bagong kaso ng COVID-19 – DOH

August 17, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasa 2,633 pang bagong kaso ng COVID-19 ang namonitor ng Department of Health (DOH) sa bansa  nitong Martes kung saan tumaas ang caseload  sa 3,838,062.

Ang isang araw na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay umabot sa mahigit 4,000 sa nakalipas na ilang araw bago bumaba sa 3,484 noong Lunes.

Ang aktibong kaso ay sa  40,000 para sa ikalawang sunod na araw, na may 36,190 kaso noong Martes mula sa 38,982 noong Lunes.

Hindi bababa sa 5,383 mga pasyente ang naitala bilang mga recoveries, na nagdala ng recovery tally sa 3,740,745.

Ang aktibong kaso ay bumaba rin mula sa 40,000 sa magkasunod na dalawang araw na may  36,190 kaso nitong Martes mula sa  38,982 noong Lunes.

Gumaling naman sa virus ang 5,383  pasyente na may kabuuan nang  3,740,745.

Samantala, 49 na pagkamatay ang naitala , na ang death toll sa bansa ay 61,127.

Ang National Capital Region (NCR) ang rehiyon na may pinakamaraming kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may 15,685, sinundan ng Calabarzon na may 9,972, Central Luzon na may 5,267, Western Visayas na may 2,763, at Cagayan Valley na may 2,402.

Iniulat ng DOH na 21,480 indibidwal ang nasuri, habang 328 testing laboratories ang nagsumite ng data noong Lunes, Agosto 15.

Samantala, nasa 30% ang bed occupancy sa bansa, habang hindi bababa sa 8,681 beds ang occupancy at 20,276 ang bakante. Jocelyn Tabangcura-Domenden