Pinas may 27,331 bagong kaso ng COVID mula Aug. 1-7

Pinas may 27,331 bagong kaso ng COVID mula Aug. 1-7

August 8, 2022 @ 4:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umabot sa 27,331 na bagong kaso pa ang naitala ng Department of Health mula Agosto 1 hanggang 7.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 3,904, mas mataas ng 13 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hulyo 25 hanggang 31.

Sa mga bagong kaso, 76 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 80 na pumanaw kung saan 32 ay naganap noong Hulyo 25 hanggang Agosto 7.

Noong ika-7 ng Agosto 2022, mayroong 772 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,514 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 624 (24.8%) ang okupado.

Samantala, 30.9% ng 21,548 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 71 milyong indibidwal o 92.06% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 16.6 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.90% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1.

Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar.

Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad magpa-isolate. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad na magpa-booster shot. Jocelyn Tabangcura-Domenden