Pinas may 399 bagong COVID cases

Pinas may 399 bagong COVID cases

January 23, 2023 @ 7:00 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala na lamang ng 399 na bagong kaso ng Covid-19 sa bansa base sa ulat ng Department of Health itong Linggo.

Sa pangkalahatang bilang, umabot na sa 4,071,963 ang kaso ng naturang virus sa Pilipinas.

Nasa 377 din ang bagong recoveries na pinakamataas sa loob ng apat na araw na nagdala naman sa total recoveries na 3,995,682.

Bagama’t ang pagdami ng aktibong kaso ay kasunod ng walong araw ng pagbaba nito, ika-apat na sunod na araw ang Linggo na mas mababa sa 11,000 active cases na naitala.

Samantala, 14 ang naitalang namatay sa kabuuang 65,694.

National Capital Region pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming kaso sa nagdaang dalawang linggo na mayroong 1,297 na sinundan ng Calabarzon na may 628 at Central Luzon na mayroong 301.

Hindi naman bababa sa 9,705 na mga indibidwal ang nasuri, habang 307 na mga testing laboratory ang nagsumite ng data noong Enero 21.

Sinabi rin ng DOH na ang bed occupancy sa bansa ay 18.8%, kung saan 5,079 beds ang okupado at 21,909 beds ang hindi nagagamit. Jocelyn Tabangcura-Domenden