Pinas may 467 bagong COVID cases

Pinas may 467 bagong COVID cases

January 9, 2023 @ 7:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala pa ng 467 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Linggo na nagdala sa active caseload sa 12,376.

Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 4,067,678, na ang kaso ng COVID-19 sa bansa kasama na rito ang mga gumaling na nasa 3,989,826 at 65,476 deaths.

Iniulat ng National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 2,311, sinundan ng Calabrzon na may 1,118, Central Luzon na may 540, Western Visayas na may 337, at ang Cagayan Valley na may 317.

Sa mga lalawigan at lungsod, ang Quezon City ang may pinakamaraming kaso na may 543, Cavite na may 318, Rizal na may 305, Manila City na may 298, at Laguna na may 248.

Ang parehong data ay nagpakita na mayroong 9,948 sample at 9,588 na indibidwal ang nasuri noong Sabado, Enero 7, na nagdala ng pinagsama-samang positivity rate sa 13.7%.

Ang bed occupancy rate ng bansa ay nasa 20.4%, kung saan 5,565 sa 27,258 na kama ang na-occupy.

Batay sa pinakahuling datos mula sa DOH,  nagpakita ng 165.904 million doses ng COVID-19 vaccine na ang naibigay na hanggang noong Enero 3 — 70.951 milyon ang unang doses, 73.780 milyon bg may kumpletong doses, at 21.172 milyon ang may booster doses. Jocelyn Tabangcura-Domenden