Pinas may 775 bagong COVID cases

Pinas may 775 bagong COVID cases

November 3, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ng 775 na bagong kaso ng COVID-19 habang bumagsak ang kabuuang aktibong kaso sa 18,689.

Ito na ang pangalawang araw na patuloy na mababa sa 1,000 bagong impeksyon na naitala kada araw habang ang kabuuang aktibong kaso ay bumaba sa 651 mula 19,340.

Ang kabuuan namang caseload sa bansa ayon sa DOH ay umabot na sa 4,005,840.

Nanatiling nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming kasong naitala na mayroong 4,679 kaso.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 2,861, Western Visayas na may 1,658, Central Luzon na may 1,653, at Davao Region na may 1,141.

Ang bilang ng gumaling sa virus sa bansa ay tumaas sa 3,923,006, habang ang bilang ng mga namatay ay tumaas sa 64,145.

Sinabi ng DOH na bahagyang tumaas ang bed occupancy ng bansa sa 23.7%, na may 6,739 na kama ang okupado habang 21,680 ang bakante noong Lunes, Oktubre 31.

May kabuuang 8,641 indibidwal ang nasuri, habang 312 testing lab ang nagsumite ng data noong Martes, Nobyembre 1. Jocelyn Tabangcura-Domenden