Pinas, may budget surplus na P46B noong Enero – DOF

Pinas, may budget surplus na P46B noong Enero – DOF

March 17, 2023 @ 2:18 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mayroong P45.7 bilyon na budget surplus ang pamahalaan noong Enero, kabaliktaran sa P23.4 bilyon na deficit ng pamahalaan na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, sa datos ng Bureau of Treasury, dulot ito ng mas lumalagong kita ng pamahalaan na naungusan na ang gastusin.

Ang kita ng pamahalaan sa nasabing buwan ay mas mataas ng 25% sa P305.4 bilyon, habang ang paggastos naman ay tumaas lamang ng 0.3% o P302.4 bilyon.

“Net of interest payments, the NG’s primary surplus for January was P92.7 billion, (which was) more than double the P42.2 billion primary surplus posted in the same month last year,” ani Diokno. RNT/JGC