Pinas may pangpondo sa Maharlika Sovereign Wealth Fund-Diokno

Pinas may pangpondo sa Maharlika Sovereign Wealth Fund-Diokno

December 1, 2022 @ 7:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – May pera ang Pilipinas para suportahan ang sovereign wealth funds sa kabila ng mahigpit na fiscal conditions nito kabilang na ang budget deficit at malaking utang.

Isinusulong kasi ngayon ni House Speaker at Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez ang panukalang batas na naglalayong bumuo ng isang sovereign wealth fund (SWF).

Ang SWF ay isang state-owned investment fund kung saan ginagamit ang surplus reserve ng isang gobyerno para sa investment.

Ayon kay Romualdez, inaasahan na maisasakatuparan ang Agenda for Prosperity at 8-point socioeconomic agenda ng Marcos Jr. administration sa pamamagitan ng House bill 6398 o Maharlika Investment Fund.

Magiging resources ng MIF ang kontribusyon ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (Land Bank), at Development Bank of the Philippines (DBP).

“There is already a commitment from GSIS, SSS, DBP, Landbank and National Government. We have the money for it,” ang wika naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno.

“The President will appoint people, there will be a governing body & it will be entirely separate from the government. There will be an advisory council where some cabinet members will be there but it will be independent,” ang pahayag ni Diokno.

Sinabi pa ni Diokno na ang pondo ay maaaring hanggang P250 bilyong piso.

“We believe some of our GIR (gross international reserves) can be mobilized and we will look to find a way to funnel dollar inflows from remittances, BPO receipts, etc into the fund,” aniya pa rin.

Isinunod ang MIF sa SWF ng nasa 49 na bansa kabilang ang Singapore, China, Hong Kong, South Korea, Malaysia, Indonesia, Taiwan, Vietnam, at East Timor.

Kumpiyansa naman si Romualdez na ang panukalang Maharlika Investment Fund ay “well-managed and independent” mula sa gobyerno.

Samantala, base sa data mula sa Bureau of Treasury, ang budget deficit ng pamahalaan ay pumalo na sa P99.1 bilyong piso nitong Oktubre tumaas ng 54.08%

“The year-to-date total of P1.1 trillion, however, is lower than the P1.2 trillion shortfall from the 10-month period in 2021. It is also only 67 percent of the P1.7 trillion full-year target for 2022,” ang makikita sa data. Kris Jose