Pinas, may pinakamaraming nanonood ng vlog sa mundo!

Pinas, may pinakamaraming nanonood ng vlog sa mundo!

February 7, 2023 @ 9:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanguna ang Pilipinas sa may pinakamaraming internet users na nanonood ng vlog linggo-linggo.

Ito ang lumabas sa 2023 Global Digital Report na ikinasa ng Meltwater at We Are Social.

Ayon sa report, 55.6% ng internet users sa Pilipinas edad 16 hanggang 64-anyos ang nanonod ng vlog kada linggo.

Sinundan ito ng Indonesia na may 33% sa ikalawang pwesto, sinundan ng Taiwan (33.2%) at Brazil (33%).

Nanguna rin ang Pilipinas sa may pinakamaraming internet users na naglalaro ng video games sa kahit anong device sa 95%, panonood ng TV content (97.9%), at panonood ng online videos bilang learning sources (64%).

Pagdating naman sa haba ng oras na nakokonsumo sa paggamit ng internet, pumangatlong pwesto ang Pilipinas na may siyam na oras at 14 na minuto, kasunod ng South Africa sa siyam na oras at 38 minuto at Brazil sa siyam na oras at 32 minuto.

Samantala, pagdating naman sa paggamit ng social media, ang mga Filipino ay karaniwang kumokonsumo ng tatlong oras at 43 minuto araw-araw para rito, ika-apat na pwesto mula sa Nigeria (4:36), Brazil (3:46) at South Africa (3:44). RNT/JGC