Pinas may sapat na badyet sa COVID vax sa edad 5-11 – DOF

Pinas may sapat na badyet sa COVID vax sa edad 5-11 – DOF

February 3, 2022 @ 1:28 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Secured na ang badyet para sa COVID-19 vaccination ng mga batang nasa edad lima hanggang 11, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa pahayag, sinabi ng DOF na ang unang batch ng COVID vaccine na inaprubahan para sa naturang age group ay inaasahang lalapag ngayong araw.

Habang nakatakda naman ang pag-arangkada ng pagbabakuna bukas, Pebrero 4.

Dagdag pa ng DOF, pumirma na sila sa kasunduan para sa karagdagang $800 milyon para sa COVID-19  boosters at vaccine dose ng pediatric population kasama na ang 12-anyos.

Paliwanag ni Finance Undersecretary Mark Dennis Jovenloan, ang karagdagang loan ay ilalaan para sa pediatric vaccines.

Gagamit din aniya ng  formulated na United States (US)-based Pfizer Inc.

“For children basically, we need to use new formulation and only one brand provides this new formulation, it’s Pfizer. So from the previous loan, we’ve taken around 15 million doses for this Pfizer new formulation. And from the new loan, we’re taking around 15 million doses, again, new formulation, which is Pfizer. So that  gives us 30 million doses of Pfizer new formulation for those below 12 years old,” paliwanag pa ni Joven. RNT/FGDC