Pinas may sovereign rights sa Ayungin, China ‘trespassing’ — Lorenzana

Pinas may sovereign rights sa Ayungin, China ‘trespassing’ — Lorenzana

November 25, 2021 @ 11:10 AM 3 days ago


Manila, Philippines – Nanindigan si Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang Pilipinas ay may sovereign rights sa Ayungin Shoal.

Ito ay sa gitna ng panawagan ng Beijing na alisin ang pagmamay-ari ng Pilipinas na ground vessel na kasalukuyang nakadaong sa Ayungin Shoal.

Base kay Lorenzana, ang lokasyon ng Ayungin Shoal ay nasa 174 nautical miles mula Puerto Princesa City, Palawan kung saan nandoon ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“Our EEZ was awarded to us by the 1982 UNCLOS which China ratified,” dagdag pa nito.

“China should abide by its international obligations that it is part of.”

Wala rin aniyang basehan ang pag-ako ng China sa West China Sea.

“Ergo, we can do whatever we want there and it is they who are actually trespassing.”

“Meron tayong dalawang dokumento na nagpapatunay na meron tayong sovereign rights sa ating EEZ habang sila ay wala at yung claim nila walang basehan,” punto pa ni Lorenzana. RNT/FGDC