Pinas ‘medium risk’ para sa mga biyahero – global risk map

Pinas ‘medium risk’ para sa mga biyahero – global risk map

October 20, 2022 @ 3:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Natukoy ang Pilipinas bilang medium risk para sa travelers sa 2023 Global Risk Assessment Map, na nangangahulugan na ang bansa ay “not fully secure.”

Ang mga bansa na natukoy na medium risk ay “often ill-equipped to manage crises,” ayon sa ulat ng Global Guardian, isang kompanya na tumututok sa travel risk.

“Political instability and inadequate law enforcement make these countries vulnerable to criminality and sporadic unrest,” batay sa ulat.

Sa Southeast Asian region, ang Thailand, Cambodia, Laos at Indonesia ay natukoy na medium risk.

Kabilang naman ang Malaysia, Brunei Darussalam, at Vietnam sa moderate risk dahil ang mga bandang ito ay itinuturing na “resilient’ at “capable of quickly and effectively managing most crises and threats to personal security,” saad pa sa ulat.

Binanggit din nito na ang mga bansa na natukoy na moderate risk ay mayroong “criminal activity, terrorism, and natural disasters” na nakaaapekto sa travel o in-country operations.

Tinukoy naman ang Singapore na low risk, na nangangahulugan na ito ay “highly stable.”

Samantala, ang Myanmar ay kabilang sa high risk, na nangangahulugan na mayroon itong “regular conflict, criminal activity, or civil unrest,” ayon pa sa report.

Ang krimen, kalusugan, kalamidad, imprastraktura, political stability, civil unrest, at terorismo ay ilan sa indicators sa color-coded map. RNT/SA