Pinas, nag-alala sa napaulat na SCS land reclamation ng Tsina

Pinas, nag-alala sa napaulat na SCS land reclamation ng Tsina

December 21, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naghayag ng pag-aalala ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), ukol sa napaulat na reclamation activities ng Tsina sa ilang unoccupied features sa Spratly Islands sa South China Sea.

Sa ulat, nagtatayo ang Tsina sa ilang unoccupied land features sa pinagtatalunang katubigan, Tinukoy ang babala mula sa Western officials na ang pinakabagong aktibidad ay pahiwatig ng “attempt to advance a new status quo, even though it’s too early to know whether China would seek to militarize them.”

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza, sinusuring mabuti ng DFA ang veracity ng nasabing ulat sa kaugnay na Philippine government agencies.

“The department takes note of the Bloomberg article on reported reclamation activities by China in unoccupied features of the Spratlys. We are seriously concerned as such activities contravene the Declaration of Conduct on the South China Sea’s (DOC) undertaking on self-restraint and the 2016 Arbitral Award,” ayon kay Daza sabay sabing “We have asked relevant Philippine agencies to verify and validate the contents of this report.”

Ang DOC, nilagdaan ng China at ng 10 Association of Southeast Asian Nations member states noong 2002, ay malinaw na nagpahayag na ang lahat ng partido ay dapat na i-exercise ang self-restraint mula sa pagsasagawa ng aktibidad na makagugulo o makakapag-paigting sa pagtatapos at makaaapekto sa kapayapaan at katatagan kabilang na ang “refraining from action of inhabiting on the presently uninhabited islands, reefs, shoals, cays, and other features” sa South China Sea.

Sa ulat, kasalukuyang may nagaganap na negosasyon ang China sa 10-member bloc ukol sa code of conduct. Kris Jose