Pinas nagkapagtala ng 109 bagong kaso ng COVID-19 – OCTA Research

Pinas nagkapagtala ng 109 bagong kaso ng COVID-19 – OCTA Research

May 12, 2022 @ 2:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naitala sa Metro Manila  ang  52  sa 109 bagong COVID-19 cases sa buong bansa nitong Miyerkules, ayon sa independent analytics group OCTA Research nitong Huwebes.

Pumalo na ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso sa 3,328.

Nananatili naman sa 1.2 porsyento ang positivity rate.

Sa isang Twitter post, tinatantiya ni OCTA Research fellow Guido David ang 210 bagong COVID-19 infections ngayong Huwebes.

Nauna nang nagbabala ang Department of Health at ang World Health Organization sa posibleng pagsirit sa kaso ng COVID-19 sa loob ng maikling panahon, lalo na at katatapos pa lamang ng eleksyon. RNT/SA