Pinas nagtamo ng P1.33 B pinsala sa agrikultura sa pagtama ni ‘Paeng’

Pinas nagtamo ng P1.33 B pinsala sa agrikultura sa pagtama ni ‘Paeng’

October 31, 2022 @ 6:52 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa P1.33 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil sa Severe Tropical Storm Paeng.

Nakapagtala ang  Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng Department of Agriculture (DA) ng P1.33 bilyong piso ang pinsala  “as of 3 p.m.”, araw ng Lunes, Oktubre 31 mula P49.54 milyong piso “as of Sunday morning.”

“The latest bulletin covered production losses of 66,693 metric tons (MT) and damage to 64,607 hectares of agricultural areas in the Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, the Bicol Region, Western Visayas, the Zamboanga Peninsula, and Soccsksargen,” ayon sa DA.

Mayroon namang 53,849 magsasaka at mangingisda ang apektado.

Karamihan sa pinsalang naitala ay sa bigas na may total  value loss na  P1.23 bilyon.

“Losses in high-value crops were recorded at P60 million, followed by fisheries at P16 million, corn at P5.59 million, and livestock and poultry at P1.92 million,” ayon pa rin sa DA.

Ang pinsala sa  agricultural infrastructure ay tinatayang P20.6 milyong piso, sakop ang  Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, Regional Fruit Nursery, at Agricultural Research and Experiment Station.

“The DA continuously coordinates with concerned NGAs (national government agencies), LGUs (local government units), and other DRRM-related offices for the impact of the tropical cyclones, as well as available resources for interventions and assistance,” ang nakasaad sa DA bulletin.

Sinabi ng  DA na ang tulong ay  available para sa pamamahagi  sa mga apektadong magsasaka at mangingisda kabilang na ang bigas, mais  vegetable seeds, at drugs and biologics para sa  livestock at poultry.

Ayon pa rin sa DA, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay mayroong  fingerlings at tulong para sa mga apektadong mangingisda.

Ang mga apektado ay maaaring mag-avail ng  P25,000 loan mula sa  Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC), kasama ang  Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. Kris Jose