Pinas nagtamo ng P2B infra damage kay ‘Paeng’

Pinas nagtamo ng P2B infra damage kay ‘Paeng’

November 3, 2022 @ 12:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Aabot sa P2.09 bilyon ang paunang halaga ng pinsala ng mga istraktura kasama ang mga tulay, national road at flood control dahil sa bagyong Paeng.

Sa ulat nitong Huwebes mula sa Department of Public Works at Highways Bureau of Maintenance, ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga national roads ay nasa P917.80 milyon, P523.80 milyon sa mga tulay at P652.76 milyon sa flood control structures.

Sa Cordillera Administrative Region aabot sa P227.02-M sa pinsala sa imprastraktura, P58.40-M sa Region 1, Region 2 na nasa P61.03-M, Region 3 na aabot sa P54.50-M, Region 4-A na nasa P967.09-M, Region 4-B na may P130.40-M, Region 5 na may P74.83-M, Region 6 na abot ng P150.41-M, Region 7 na abot ng P8-M, Region 8 na aabot sa P60-M, Region 12 na may P102.68-M, at BARMM na umabot sa P200 milyon.

Samantala, sarado pa rin sa motorista ang ilang road sections sa CAR, Regions 2, 3, 4-A, 6, 8, 12, at BARMM dahil sa mga nasirang pavement/slope protection, naputol na kalsada, bumagsak at nasirang tulay, pagbaha, bumagsak na debris bukod saiba pa.

Inatasan na ang DPWH Quick Response Teams na bilisan ang ginagawang clearing operations sa naturang mga saradong kalsada habang tiniyak naman na may mga nakalagay na warning signs at barikada para sa kaligtasan ng publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden