Pinas, naibalik na sa visa-free entry sa Taiwan

Pinas, naibalik na sa visa-free entry sa Taiwan

September 23, 2022 @ 6:10 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Ibinalik na ng Taiwan ang visa-free entry para sa mga biyaherong Pinoy.

Sa pahayag ng Bureau of Consular Affairs of Taiwan, mula Setyembre 29, 2022 hanggang Hulyo 31, 2023 ay pasok na sa visa exemption program ang mga Filipino na mamamalagi sa bansa sa loob ng 14 na araw.

Sa kabila nito, kailangan na magpakita ng patunay ng tutuluyan o accomodation o hotel booking ang isang biyahero at katunayan na sapat ang travel funds nito.

Hindi naman pasok sa visa-free entry ng Taiwan ang mga crew members ng barko, eroplano o service personnel mula sa Pilipinas, Brunei at Thailand na sasakay para magreport sa kanilang duty.

Matatandaan na noong Setyembre 12 ay inanunsyo ng Taiwan ang pansamantalang pag-aalis nito ng visa-free entry sa iba’t ibang mga bansa kabilang na ang Pilipinas. RNT/JGC