Pinas nakapagtala ng 10,271 karagdagang COVID cases mula Hulyo 4-10

Pinas nakapagtala ng 10,271 karagdagang COVID cases mula Hulyo 4-10

July 11, 2022 @ 4:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa ng 10,271 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa mula Hulyo 4 hanggang 10.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,467, mas mataas ng 39 porsyento kung ikukumpara sa mga kaso noong Hunyo 27 hanggang Hunyo 3.

Sa mga bagong kaso, 27 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 50 na pumanaw at wala sa mga ito ang naganap noong Hunyo 20 hanggang Hulyo 3.

Noong ika-10 ng Hulyo 2022, mayroong 555 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,414 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 411(17.0%) ang okupado. Samantala, 22.7% ng 21,424 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 71,055,752 milyong indibidwal o 78.95% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 15,342,652 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.72% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series. Jocelyn Tabangcura-Domenden