Pinas nakapagtala ng 117 bagong COVID cases

Pinas nakapagtala ng 117 bagong COVID cases

February 27, 2023 @ 7:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapag-ulat ang Pilipinas ng mas mababa sa 200 na bagong kaso ng COVID-19 para sa ikalawang sunod na Linggo subalit umakyat ang bilang  ng mga nasawi sa pinakamataas sa loob ng 10 araw, batay sa datos.

Base sa ipinalabas na datos ng Department of Health (DOH), mayroong 117 bagong kaso nitong Linggo, na mas mababa kumpara sa 142 kaso noong Sabado.

Bumaba ang aktibong kasi sa 9,327 mula 9,347 sa nakalipas na araw, ang unang pagbaba mula sa tatlong sunod na araw ng pagtaas ng aktibong kaso sa bansa.

Ito ang ika-apat na araw ng mahigit 100 bagong kaso, subalit ika-14 na araw ng mas mababa sa 200 bagong kaso, dahilan para pumalo ang kabuuang COVID-19 caseload sa 4,076,237.

Tumaas naman ang bilang ng mga gumaling ng 175 sa 4,000,813, pinakamataas sa loob ng pitong araw. 

Batay din sa datos, nang death toll ay 66,097, na nagpapakita ng karagdagang 14 o pinakamataas sa loob ng 10 araw.

Nakapagtala ang pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa Metro Manila sa 431, sinundan ng Davao region sa 239, Calabarzon sa 172, Western Visayas sa 95, at Soccsksargen sa 80. RNT/SA