Pinas nakapagtala ng 1,206 bagong COVID cases noong Enero 23-29

Pinas nakapagtala ng 1,206 bagong COVID cases noong Enero 23-29

January 31, 2023 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kabuuang 1,206 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa mula Enero 23 hanggang Enero 29, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).

Ang daily case average para sa nakaraang linggo ay bumama rin sa 172ula sa nakaraang 270. Ito ay 36 percent na mas mababa sa naitala noong nakaraang linggo.

Nasa 74 karagdagang COVID-19 related deaths din ang naiulat ng DOH mula Setyembre 2020 hanggang Enero 2023.

Sa naturang bilang ng pagkamatay, 8 ang nangyari ngayong Enero.

Anim sa naturang bilang ay nangyari mula Enero 16 hanggang Enero 29.

Ayon sa DOH, 73.8 milyon Filipino o 94.54% ng target population ang ganap ng bakunado laban sa COVID-19 ayon sa DOH.

Sa bilang na ito, 14,419 ang nakatapos ng kanilang pangunahing serye mula Enero 23 hanggang Enero 29.

Ang bilang ng mga indibidwal na may booster ay tumaas din sa 21.3 milyon, kung saan 50,474 ang na-boost sa parehong panahon.

Samantala, hindi bababa sa 6.9 milyong senior citizen, o 79.47% ng target na populasyon ng A2 ang nakatanggap din ng kanilang pangunahing serye ng bakuna.

Ipinakita rin ng data na mayroong 456 na malubha at kritikal na mga kaso ang na-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19 noong Enero 29. Ito ay 9.5% ng kabuuang COVID-19 admission.

Hindi bababa sa 330 o 14.0% ng 2,359 intensive care unit (ICU) beds ang ginamit din, habang 3,606 o 19.5% ng 18,467 non-ICU COVID-19 bed ang na-occupy.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang mga admission sa ospital sa bansa ay naging manageable na sa COVID-19 na hindi na kabilang sa Top 10 na sanhi ng pagkamatay ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden