Pinas nakapagtala ng 1,326 bagong COVID cases

Pinas nakapagtala ng 1,326 bagong COVID cases

September 7, 2022 @ 7:42 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ng karagdagang 1,326 na bagong kaso ng COVID-19 ang iniulat nitong Martes sa bansa na pinakamababang daily tally simula Hulyo 6.

Ang bagong kaso ay nagdala sa nationwide tally na 3,894,840, base sa pinakahuling numero mula sa  Department of Health (DOH).

Ayon sa datos, bumaba rin ang aktibong kaso sa  23,272 mula 24,493 nitong Lunes.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) ang nanguna sa rehiyon na may pinakamataas na bilang ng kaso na may  9,025, sinundan ng Calabarzon na may  4,343, Central Luzon na may  2,892, Western Visayas na may  1,460, at ang Davao Region na may 1,427.

Ang recovery tally ng bansa ay tumaas ng 2,432 na kaso sa 3,809,450, habang 56 na bagong nasawi ang nagtaas ng bilang ng nasawi sa 62,062.

Ang bed occupancy sa bansa ay nasa 27.2%, na may 7,914 na kama ang okupado, habang 21,224 ang bakante noong Linggo, Setyembre 4.

May kabuuang 17,756 na indibidwal ang na-test habang 331 testing lab ang isinumite noong Lunes, Setyembre 5. Jocelyn Tabangcura-Domenden