Pinas nakapagtala ng 1,353 bagong COVID cases

Pinas nakapagtala ng 1,353 bagong COVID cases

November 26, 2022 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa 17,945 ang aktibong bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa karagdagang 1,353 na bagong kaso. Ito ay isang pagtaas mula 17,393 aktibong kaso noong Huwebes.

Ang nationwide caseload naman sa bansa ay 4,030,572, ayon sa pinakahuling bilang ng DOH.

Sa nagdaang dalawang linggo, ang rehiyon na may maraming naitalang impeksyon ay ang National Capital Region na may 3,510 kaso.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 1,900; Western Visayas na may 1,315; Central Luzon na may 1,062; at Central Visayas na may 1,027.

Ang recovery tally naman sa bansa ay tumaas sa 3,948,079 na may 795 bagong recoveries.

Samantala, nakapagtala rin ng 24 na bagong namatay sa virus na nagdala sa kabuuang 64,548.

Ang bed occupancy sa bansa para sa COVID-19, may 6,636 ang okupado habang 21,770 pa ang bakante hanggang noong Miyerkules.

Mayroon na ring 12,533 indibidwal na nasuri habang 344 testing labs ang nagsumite ng kanilang datos noong November 24. Jocelyn Tabangcura-Domenden