Pinas nakapagtala ng 1,585 bagong COVID cases

Pinas nakapagtala ng 1,585 bagong COVID cases

October 24, 2022 @ 7:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), ipinapakita na nakapagtala pa ang Pilipinas ng 1,585 na bagong kaso ng COVID-19 na nagdala sa kabuuang 3,994,634.

Ito na ang ikatlong tuloy-tuloy na araw na ang arawang kaso ay mababa sa 2,000.

Umabot naman sa 37 ang iniulat na nasawi na nagresulta ng kabuuang 63,779 deaths.

Umabot na rin sa 23,369 ang aktibong kaso habang ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa impeksyon ay sumampa sa 3,907,486.

Mula sa Metro Manila ang 465 na bagong iniulat na kaso.

Ang positivity rate para sa linggo ng Oktubre 16 hanggang 22 ay nasa 13.6 porsiyento, mas mababa sa 14.8 porsiyento na naitala noong nakaraang linggo.

Mula Oktubre 10-16, nakapagtala ang Pilipinas ng 15,314 na kaso ng COVID-19, o isang average na 2,188 araw-araw na impeksyon. Mas mataas ito ng 7 porsiyento kumpara noong nakaraang linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden