Pinas nakapagtala ng 1,735 bagong kaso ng COVID

Pinas nakapagtala ng 1,735 bagong kaso ng COVID

August 24, 2022 @ 9:06 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ang Pilipinas noong Martes ay nakapagtala ng 1,735 bagong kaso ng COVID-19, ang pinakamababang daily tally mula noong 1,604 ang naitala noong Hulyo 13.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), bumaba rin ang active tally sa 31,542 mula sa 33,774 noong Lunes.

Ang mga bagong impeksyon ay nagdala ng nationwide caseload sa 3,860,537.

Ang mga bagong kaso noong Martes ay ang pinakamababa sa loob ng 41 araw at ang unang pagkakataon sa loob ng 35 araw na ang mga bagong kaso ay mas mababa sa 2,000.

Noong Martes ay ang ikalimang sunod na araw ng pagbaba ng mga bagong kaso at ang tally ay pagkatapos ng limang sunod na araw ng mahigit 3,000 bagong kaso.

Ang mga aktibong kaso noong Martes ay pinakamababa sa loob ng 26 na araw, mula noong Hulyo 28 ay 29,897 aktibong kaso at ang ika-apat na sunod na araw ng pagbaba ng mga aktibong kaso.

Kabilang sa mga nangungunang rehiyon na may kaso nitong nakaraang dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 14,575, sinundan ng Calabarzon na may 8,476, Central Luzon na may 4,881, Western Visayas na may 2,504, at Cagayan Valley na may 2,221.

Nakapagtala din ang Health department ng 3,767,569 na mga pasyenteng gumaling mula sa viral disease, habang ang mga nasawi ay umakyat sa 61,426.

Sinabi ng DOH na bahagyang bumaba ang bed occupancy sa bansa sa 28.8%, kung saan 8,407 beds ang okupado, habang 20,748 ang bakante.

Samantala, may kabuuang 18,660 indibidwal ang nagpasuri, habang 329 na testing lab ang nagsumite ng kanilang datos noong Agosto 23. Jocelyn Tabangcura-Domenden