Pinas nakapagtala ng 19,262 bagong COVID cases mula Aug. 22-28

Pinas nakapagtala ng 19,262 bagong COVID cases mula Aug. 22-28

August 29, 2022 @ 4:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Health (DOH) na may karagdagan pang 19,262 na bagong kaso ng COVID-19 mula Agosto 22 hanggang 28.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,752, naa mas mababa ng 19 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 15 hanggang 21.

Sa mga bagong kaso, 110 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 316 na pumanaw kung saan 94 ay naganap noong Hulyo Agosto 15 hanggang Agosto 28.

Noong ika-28 ng Agosto 2022, mayroong 807 na malubha at kritikal na pasyenteng naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.

Ang okupadong ICU beds ay 635 mula sa kabuuang 2,551 para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Nasa 28.1% ng 21,287 naman ng non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 72 milyong indibidwal o 92.80% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 17 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.8 milyong senior citizens o 78.10% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series. Jocelyn Tabangcura-Domenden