Pinas nakapagtala ng 2,618 bagong kaso ng COVID

Pinas nakapagtala ng 2,618 bagong kaso ng COVID

August 10, 2022 @ 7:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Pilipinas ng 2,618 bagong kaso ng COVID-19 noong Martes, ayon sa datos ng Department of Health.

Bumaba naman ang mga aktibong impeksyon sa 36,666 mula sa 37,942 na naitala noong Lunes.

Ang bilang ng mga bagong kaso na naitala noong Martes ay ang pinakamababa sa loob ng dalawang linggo.

Ang pag-unlad ay pagkatapos ng limang sunod na araw ng pagtala ng DOH ng mahigit 4,000 bagong impeksyon.

Ang 36,666 na aktibong kaso noong Martes ay ang pinakamababa sa limang araw at pagkatapos ng limang sunod na araw ng pagtaas ng mga impeksyon.

Nitong Martes ,minarkahan din ang ika-12 sunod na araw na ang bansa ay may higit sa 30,000 aktibong kaso.

Sinabi ng DOH na ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay tumaas ang bilang sa buong bansa sa 3,810,772.

Nangunguna sa mga rehiyon na may kaso nitong nakaraang dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 15,986, sinundan ng Calabarzon na may 10,361, Central Luzon na may 5,190, Western Visayas na may 2,892, at Central Visayas na may 2,252.

Nagtala ang DOH ng 3,865 bagong recoveries kaya umabot na sa 3,713,242 ang recovery tally.

Hindi bababa sa 27 na bagong pagkamatay ang naiulat na nagdagdag ng bilang ng nasawi sa buong bansa sa 60,864.

Batay sa pinakahuling datos, nasa 29.2% ang bed occupancy sa bansa, habang 8,421 beds ang occupied, at 20,443 ang bakante.

Samantala, may kabuuang 22,347 na indibidwal ang nasuri, habang 330 testing laboratories ang nagsumite ng data noong Agosto 8. Jocelyn Tabangcura-Domenden