Pinas nakapagtala ng 2,907 bagong kaso ng COVID

Pinas nakapagtala ng 2,907 bagong kaso ng COVID

October 10, 2022 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,097 bagong kaso ng COVID-19 noong Linggo, na may aktibong tally na 26,357.

Ito ang ikaapat na sunod na araw ng mahigit 2,000 bagong impeksyon na naiulat.

Gayunpaman, ang bilang ng mga bagong impeksyon sa COVID-19 noong Linggo ay mas mababa kaysa sa 2,197 na impeksyon na naitala noong Sabado.

Bahagyang bumaba rin ang aktibong tally ng bansa sa 26,357 mula sa 27,065 noong Sabado.

Samantala, ang mga bagong kaso noong Linggo ay nagtulak sa nationwide caseload sa 3,967,861.

Kabilang sa mga nangungunang rehiyon na may pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 12,159 na sinundan ng Calabarzon na may 5,359, Central Luzon na may 2,709, Davao Region na may 1,421, at Western Visayas na may 869.

Samantala, mayroong 2,670 pasyente ang gumaling kung saan  tumaas ang recovery tally sa 3,878,240.

Tumaas din ang bilang ng nasawi sa bansa sa 63,264 na may 34 na bagong nasawi.

Hindi bababa sa 13,404 na indibidwal ang nasubok, na may 362 testing laboratories na nagsusumite ng data noong Sabado, Oktubre 8.

Ang bed occupancy sa bansa ay nasa 25.6%, na may hindi bababa sa 7,335 na mga kama na okupado at 21,288 na mga kama ang bakante. Jocelyn Tabangcura-Domenden