Pinas nakapagtala ng 3,729 cholera, 275 rabies cases sa pagpasok ng 2022

Pinas nakapagtala ng 3,729 cholera, 275 rabies cases sa pagpasok ng 2022

October 11, 2022 @ 7:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kabuuang 3,729 kaso ng cholera ang naitala sa bansa simula Enero 2022 kung saan 282% na mas mataas kumpara sa datos sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, sinabi ng Department of Health o DOH.

Sa press briefing, sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na ngayong 2022 mayroong lamang 976 na cholera cases.

Karamihan sa mga klaso ay naiulat mula sa Eastern Visayas, Davao region at Caraga.

Samantala, nalagpasan naman ng Central Luzon, Western Visayas at Eastern Visayas ang epidemic threshold levels para sa cholera base sa kaparehong panahon.

Nakapagtala rin ng 33 indibidwal ang namatay simula Enero ngayong taon dahil sa cholera—tatlo sa mga ito ay naitala noong Hulyo, siyam noong Agosto at dalawa noong Setyembre.

Sinabi ni Vergeire na pinakakaraniwang pangkat ng edad na apektado ng cholera ay ang mga batang may edad 5 hanggang 9, dahil sa hindi ligtas na inuming tubig.

“We know that tag-ulan ngayon, maraming pagbaha, maraming napupunta rin sa evacuation centers natin and because of this kind of calamities, ‘yung water systems natin are mostly affected lagi kapagka ganyan, especially in this kind of areas,”sabi ni Vergeire.

Sa kabila nito, ipinunto ni Vergeire na walang local government units ang nagdeklara ng outbreak dahil ang kaso ay nanatiling ‘manageable”

Ang naturang sakit ay nakakapekto sa parewhong mga bata at matatanda na maaring ikamatay sa loob ng ilang oras kung hindi ginamot.

Samantala, inihayag din ng departamento na 275 rabies cases ang naitala sa bansa sa pagpasok ng taon.

Sinabi ni Vergeire na karamihan sa mga kaso ay mula sa Central Luzon, Calabarzon, Davao Region, at Soccksargen.

“It has an almost 100% case fatality rate, especially kung kumpirmado ang rabies at kung nakagat ka doon sa mga areas na kritikal, tulad ng mukha, mga kamay, mga paa, yung mga mararami tayong blood vessels,” ani Vergeire.

Karamihan umano sa rabies patients ang nakagat ng domesticated animals.

“Ito pong mga kasama nating pets, maiiwasan din natin ang rabies kung ipapa-register natin sila sa ating local government at papabukanahan din po ng anti-rabies, para maging safe din tayo kung sakaling makagat tayo,” paalala ni Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden