Pinas nakapagtala ng 4,701 bagong COVID-19 cases

Pinas nakapagtala ng 4,701 bagong COVID-19 cases

August 6, 2022 @ 10:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes ng 4,701 bagong COVID-19 cases, kung kaya’t pumalo na sa 3,795,008 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang pinakamataas na daily tally mula Pebrero 7, kung saan nakapagtala ng 6,835 kaso.

Sa kasalukuyan, umabot na sa37,189 mula sa 34,213 nitong Huwebes ang aktibong kaso ng virus sa bansa.

Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng COVID cases sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region na may 15,041, sinundan ng Calabarzon na may 9,852, Central Luzon na may 4,775, Western Visayas na may 2,735, at Central Visayas na may 2,132.

Marami ring pasyente ang gumaling sa sakit, kung saan ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 ay 3,697,045.

Sa kasalukuyan ay umabot na ang death toll sa 60,774.

Nitong Huwebes, sumailalim sa coronavirus test ang 23,279 indibidwal, at 325 testing laboratories ang nagsumite ng mga resulta.

Hanggang nitong Huwebes, ang national bed occupancy rate ay 29.6%, kung saan 8,444 beds ang okupado at 20,088 ang bakante. RNT/SA