Pinas, nakapagtala ng 666 bagong COVID cases

Pinas, nakapagtala ng 666 bagong COVID cases

December 26, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Health na 666 lamang na bagong kaso ang naitala noong Linggo, mismong araw ng Pasko at ang pinakamababang naitalang kaso sa nagdaang limang araw.

Ayon sa datos ng DOH, mayroon nang kabuuang 4,061,663 na COVID-19 cases sa bansa.

Bumaba ang aktibong kaso ng 552 hanggang 15,937, ang pinakamababa sa mahigit limang buwan mula 14,862 na aktibong kaso noong Hulyo 13.

Ang kabuuang recoveries ay tumaas ng 1,234 hanggang 3,980,490, ang ikalawang sunod na araw kung saan nagkaroon ng mas maraming bagong recoveries na naitala kaysa sa mga bagong kaso.

Samantala tumaas naman ang kabuuang pagkamatay, ng 21 hanggang 65,236, ang ika-apat na sunod na araw ng higit sa 20 bagong pagkamatay na naitala.

Ang rehiyon na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo ay ang Metro Manila na may 4,887 kaso, sinundan ng Calabarzon na may 2,181; Central Luzon na may 1,507; Kanlurang Visayas na may 573; at Cagayan Valley na may 464.

Ang nationwide COVID-19 bed occupancy ay nasa 13.7%, kung saan 5,042 ang okupado at 31,845 ang bakante. Jocelyn Tabangcura-Domenden