Pinas nakapagtala ng 801 bagong kaso ng COVID

Pinas nakapagtala ng 801 bagong kaso ng COVID

November 30, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mayroon na lamang 801 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa pagkatapos ng  limang araw na magkasunod na mahigit  1,000 bagong kaso ng COVID infections sa isang  araw.

Sa nagdaang  dalawang linggo  ang National Capital Region (NCR) ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 na may 4,194, sinundan ng Calabarzon na may  1,917, Western Visayas na may  1,121, Central Luzon na may  1,051, at  Central Visayas na may  993.

Samantala, kabuuang 1,074 pasyente  ang gumaling sa nakamamatay ng sakit na nagdala sa recovery tally na  3,952,617.

Ang death tally ay umabot din sa 64,620 na may  12 bagong namatay.

Ayon sa DOH, nasa 11,837 indibidwal ang nasuri habang 343 testing laboratories ang nagsumite ng datos nitong Lunes.

Nanatili naman sa 23.4% ang bed occupancy rate sa bansa na may 6,589  okupadong kama at 21,562 ang bakante nitong Linggo, Nov. 27. Jocelyn Tabangcura-Domenden