Pinas nakapagtala ng higit 1,400 kaso ng leptospirosis

Pinas nakapagtala ng higit 1,400 kaso ng leptospirosis

August 26, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mayroon nang 1,411 kaso ng leptospirosis mula sa Enero 1 hanggang Agosto 6, 2022 ayon sa Department of Health (DOH).

Sa kabuuan, ang mga kaso sa taong ito ay 22 percent na mas mataas kumpara sa mga naiulat na kaso sa kaparehong panahon noog 2021 na may 1,157.

Karamihan sa kaso ng leptospirosis ay naiulat mula sa:

  • NCR (263, 19%)

  • Region VI (171, 12%)

  • Region II (169, 12%)

M Hulyo 10 hanggang Agosto 6, 2022 nakapagtala ng 251 kaso, ang parehong mga rehiyon ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso maliban sa Rehiyon VI.

  • NCR: 73 (29%)

  • Region III: 35 (14%)

  • Region II: 22 (9%)

Ang mga rehiyon V,VII at XI ay lumagpas sa alerto at epidemic threshold sa loob ng nakaraang apat na linggo ng morbidity.

Gayunman, walang clustering ang nabanggit sa buong bansa.

Sa buong bansa, mayroong 188 na pagkamatay na iniulat (Case Fatality Rate=13.3%). Ang mga pagkamatay na ito ay naiulat sa mga sumusunod na buwan:

  • January: 14

  • February: 11

  • March: 23

  • April: 32

  • May: 29

  • June: 29

  • July: 50. Jocelyn Tabangcura-Domenden