Pinas nakidalamhati sa mga biktima ng Thailand mass shooting

Pinas nakidalamhati sa mga biktima ng Thailand mass shooting

October 7, 2022 @ 9:21 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Embassy sa Thailand sa mga mamamayan at gobyerno ng Kingdom of Thailand matapos ang mass shooting incident sa childcare center sa Nongbua Lamphu province.

“We are shocked and saddened by the heartbreaking event and we are one with the Thai people in their grief as they face the painful aftermath of this tragedy,” ayon sa kalatas ng embahada.

Ayon kay Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz-Paredes, nakikiisa ang Pilipinas sa pagdadalamhati ng mga mamamayan ng Thailand matapos ang madugong trahedya.

Nakikiramay din aniya sila sa pamilya ng mga biktima at umaasang hindi na lumala ang sitwasyon.

Nanawagan naman si Paredes sa mga kapwa Pinoy sa Thailand na makipag-ugnayan sa embahada kung mayroong impormasyon hinggil sa insidente.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang nag-udyok sa suspek na si Panya Khamrab na isagawa ang isa sa pinaka-madugong mass shooting incident sa Thailand.

Samantala, sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang naiulat na namatay mula sa trahedya. RNT