Pinas nakidalamhati sa pamilya ni Shinzo Abe, sa Japan

Pinas nakidalamhati sa pamilya ni Shinzo Abe, sa Japan

July 9, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpaabot ng pakikiramay  ng Pilipinas sa mga mamamayan ng Japan  at pamilya ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe na pumanaw sa edad na 67,  araw ng Biyernes.

Namatay si si Abe matapos barilin sa labas ng isang train station sa Nara habang nagbibigay ng talumpati para sa nalalapit parliamentary election.

“It is with profound sadness that we learn of the passing of former Prime Minister ABE Shinzo,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“We express our deepest condolences to the Japanese government and people on his tragic death. We send our most heartfelt sympathy to Madame Akie Abe and their family.  We pray for their comfort in this most difficult time,” dagdag na pahayag ng DFA.

Ayon pa sa departamento, “Mr. Abe was greatly admired by many Filipinos. We thank him for his key role in the strengthening of Philippines-Japan relations and for establishing a very deep bond of friendship with our country.  Mr. Abe will be very much missed and always remembered.”

Samantala, nagpahayag naman ng pakikidalamhati  si  dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa asawa ni Abe at pamilya nito.

“Abe was a good and loyal friend, a staunch supporter of my administration and a strong ally of the nation,” ayon kay  Duterte sa isang kalatas na ipinalabas ng tagapagsalita nito na si Martin Andanar.

“As the world mourns the loss of this great man, we remember him for his compassionate service and remarkable leadership. Indeed, one of the most influential world leaders of our time,” aniya pa rin. Kris Jose