Pinas nakikipag-ugnayan sa ibang bansa vs scam text messages

Pinas nakikipag-ugnayan sa ibang bansa vs scam text messages

October 10, 2022 @ 8:00 AM 6 months ago


MANILA, Philippines- Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa  ibang bansa para tugunan ang scam text messages  na nakapambiktima na ng maraming Pilipino.

Sinabi ni  Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy, nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa ibang teritoryo  para makapagpalabas ng warrants laban sa mga sangkot sa “smishing schemes”.

Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye si Uy sa bagay na ito.

“I cannot reveal to you, because it would signal… because some of the operators are located in those countries,” ayon sa Kalihim sa naging panayam sa kanya sa sidelines  ng  Bankers Night.

“Those law enforcement agencies, we’re working on them also to work on their warrants and so if I tell you where they are, they’ll pack up and leave,” wika pa nito.

Aniya, lumaganap na kasi sa bansa ang personalized scam text messages kung saan aminado ang National Privacy Commission (NPC) na nahirapan itong hanapin ang pinanggalingan ng impormasyon.

Buwan ng Hunyo nang sabihin ng Telco firms na binlock na nila ang milyon na  “smishing” messages, tumutukoy sa  “practice of sending text messages” na nagpapanggap na mula sa lehitimong organisasyon  para makakuha ng  personal information ng isang user.

Sinabi ni Uy  na nakikipagtulungan na ang Cybercrime Investigation Coordinating Center  ng DICT sa  Philippine National Police’s (PNP) Cybercrime Group,  National Bureau of Investigation (NBI), at National Telecommunications Commission (NTC).

“They pooled all their resources together and are working extensively to address this issue. This issue has been persistent and the syndicates that are operating are very well-funded, they are high-tech, very resourceful,” ani Uy.

“Once you open one avenue, it leads to another rabbit hole, and then when you track that down, it leads to another and it goes all over the world. Then we need to tap our friends from the other law agencies in other countries,” wika pa nito.

Giit nito, nagti-take advantage ang  cybercriminals sa mga biktima sa pamamagitan ng panloloko at pagnanakaw  sa mga ito na aniya’y sapat na dahilan para maghain ng kaso ang mga nabiktima.

“They don’t want to steal P100 million from one bank or from one financial institution because the bank’s going to go after them. But if they steal P100 from a million people, none of those 1 million people are going file a complaint when they lose P100,”  ani Uy.

“Ang laki ng abala sa kanila [Such a big hassle for them] for what? for P100? So we need our legislators to come up with laws in order to change probably how we prosecute these,” dagdag na pahayag ni Uy.

Ang gobyerno aniya ay pinapayagan na gumawa ng aksyon o ng motu proprio, at maghain ng reklamo kahit wala pang naghahain ng affidavit mula sa pribadong indibiduwal na na-exploit na ng mga scammers.

Samantala, nakatakda namang tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang SIM Card Registration Act, ngayong araw ng Lunes, na naglalayong i-require ang lahat ng  users na magpa-rehistro sa public telecommunications entities (PTEs). Kris Jose