Pinas nanawagan sa mga volunteer contact tracer

Pinas nanawagan sa mga volunteer contact tracer

September 22, 2020 @ 2:58 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nanawagan ang isang opisyal para sa mga handang mag-volunteer bilang contact tracer.

Ayon kay contact tracing czar Baguio Mayor Benjamin Magalong, ang kakulangan sa manpower ang nagdudulot ng delay sa contact tracing sa ilang lugar kasama na ang Metro Manila.

“Malaking bagay iyong pag-recruit natin ng 50,000 na contact tracers. Pero kung tatanungin ninyo ako, is it enough? Hindi enough iyan, kukulangin tayo,” saad ni Magalong.

“We need volunteers, cause-oriented groups na sa tingin nila meron silang critical thinking ability, iyong members may investigative mindset, hindi naman naghahanap ng suweldo. They can always volunteer,” punto pa nito.

Aniya, natukoy ang 564 coronavirus patients sa Baguio sa tulong ng non-government organizations na volunteer bilang contact tracing. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...