Pinas, nangunguna sa ‘World Disaster Risk Index 2022’

Pinas, nangunguna sa ‘World Disaster Risk Index 2022’

October 11, 2022 @ 7:36 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bumandera ang Pilipinas sa pagkakaroon ng pinakamataas na disaster risk sa hanay ng 193 bansa sa buong mundo ngayong taon, ayon sa global risk index.

“The WorldRiskIndex (WRI) measures countries’ disaster risk from extreme natural events and the effects of climate change. It calculates each nation’s exposure, or the extent the population is exposed to disasters such as storms, flooding, droughts, and sea level rise; and vulnerability—or its susceptibility, ability to cope, and ability to adapt to these events,” ayon sa ulat.

Nakapagtala ang Pilipinas ng “high in its exposure, vulnerability, susceptibility, lack of coping capacities, and lack of adaptive capacities in the face of disasters.”

Sumagot naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at sinabi na layon nilang paghusayin pa ang aksyon at pagkilos para tugunan ang ‘vulnerability’ sa mga sakuna sa bansa.

“We took note of the result of the world index report,” ayon kay NDRRMC spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro.

“Our goal is to continuously improve the national government policies and programs para ma-address po yung vulnerability to natural hazards,” wika pa nito.

Ang mga bansa na mayroong ‘highest disaster risk’ sa buong mundo ay ang Pilipinas (WRI 46.82), India (WRI 42.31), at Indonesia (WRI 41.46).

Sinasabing 9 mula sa 15 bansa na mayroong mataas na disaster risk ay kabilang sa ’15 most populous countries’ sa buong mundo.

Ang Estados Unidos ang continent na mayroong pinakamataas na disaster risk, sinundan ng Asya at Africa.

“Floods, heat waves and droughts are increasing seriously, and climate change is also having a massive impact on the assessment of risks,” ayon sa executive director ng Bündnis Entwicklung Hilft at project manager ng WorldRiskReport 2022 na si Peter Mucke.

“For a country’s risk of an extreme natural event turning into a disaster, natural and climate-related exposure forms the first part of the equation The second part is what is known as the vulnerability of society. This vulnerability is the factor of risk that can be directly influenced,” ani Peter Mucke.

Mula 27, mayroon ng 100 indicators na bumubuo sa WorldRiskIndex . Ang mga bagong indicators ay kinabibilangan ng “effect on populations, expansion of the “exposure” component, among others.”

Ang WorldRiskIndex (WRI) 2022 ay inilathala ng Bündnis Entwicklung Hilft at ng Institute for International Law of Peace and Armed Conflict at Ruhr University Bochum (IFHV). Kris Jose