Pinas nasa Alert Level 2 pa rin hanggang Enero 15, 2022

Pinas nasa Alert Level 2 pa rin hanggang Enero 15, 2022

December 30, 2021 @ 4:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Mananatili ang Pilipinas sa ilalim ng Alert Level 2 hanggang Enero 15, 2022 sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic at sa banta ng Omicron variant, ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles nitong Huwebes.

Sa ilalim ng Alert Level 2- ang ikalawang pinakamababa sa alert level system sa bansa- ilang establisimyento at aktibidad ang pinapayagan hanggang 50 porsyento ng indoor capacity para sa fully vaccinated adults (at mga menor, kahit na hindi bakunado) at 70 porsyentong outdoor capacity.

Ito ang inanunsyo ni Nograles ilang araw matapos maiulat ng Department of Health ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.

Nauna nang magbabala ng independent monitoring group na OCTA Research na maaaring higit pa sa “holiday uptick” ang naturang pagtaas sa COVID-19 cases.

Ipinahayag naman ni Health Secretary Francisco Duque III na pabor siya sa pananatili ng Pilipinas sa ilalim ng Alert Level 2.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang apat an kumpirmadong kaso ng Omicron variant sa bansa. RNT/SA